
Ngayon May 3, abangan sa All-Out Sundays sina Michael V., Aiai delas Alas, Alden Richards, Gabbi Garcia, Jak Roberto, Ruru Madrid, Betong Sumaya, Boobay, Philip Lazaro, Archie Alemania, Pekto, Tetay, Kisses Delavin, Paolo Contis, at ang cast ng Descedants of the Sun Ph kabilang sina
Dingdong Dantes, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis.
Matapos ang kuwelang "Binibining Enhanced Community Quaran-Queen" noong nakaraang Linggo, kilalanin naman kung sino kina Ruru Madrid, Archie Alemania, Pekto Nacua, at Tetay ang magiging "Ginoong Enhanced Quaran-King," kasama ang pageant hosts na sina Boobay at Philip Lazaro.
Tuloy pa rin ang All-Out Sundays sa paglilikom ng funds para sa Kapuso Foundation ngayong may enhanced community quarantine.
Makisali rin sa mga Facebook live games at manalo ng cash prizes.
All-out pa rin ang tawanan at saya ngayong Linggo sa All-Out Sundays: Stay Home Party, streaming live ngayong May 3, 12 noon sa GMANetwork Facebook, Twitter, at YouTube.
Cast ng 'Descendants of the Sun' at birthday girl Kisses Delavin, mga aabangan sa 'All-Out Sundays'