GMA Logo DOTS Ph Apha Team on TikTok
What's on TV

'Descendants of the Sun Ph' Alpha Team, TikTokers na rin!

By Jansen Ramos
Published March 2, 2020 5:31 PM PHT
Updated March 2, 2020 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

DOTS Ph Apha Team on TikTok


Napanood n'yo na ba ang TikTok videos ng 'DOTS Ph' Alpha Team?

Ang Descendants of the Sun PH actor na si Paul Salas ang latest celebrity na sumali sa TikTok bandwagon.

Siyempre, featured sa ilan niyang TikTok videos kanyang co-stars na bumubuo sa Alpha Team na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas, at Prince Clemente.

Ibinahagi ni Paul sa kanyang Instagram account ang ilan sa kanyang entry sa nauusong video-sharing social networking platform.

Sa video na ito, ni-lip sync nina Paul at Jon ang kantang "Pinagpalit" ng Pinoy rapper na si JSE.

Sino mas higit bahala ka dyan mag tiktok @lucas_aljhon

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas) on

Biro ni Paul sa caption, "Sino mas higit? Bahala ka d'yan mag-TikTok @lucas_aljhon."

Sa sumunod na video na kanyang ishinare, makikitang kumpleto na ang Alpha Team.

Alpha woah

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas) on

Ipinakita nina Dingdong, Rocco, Lucho, Jon, Prince, at Paul dito ang kani-kanilang funny facial expressions when the bass drops sa saliw ng kantang "Woah" ng American rappers na sina KRYPTO9095 at D3MSTREET.