
Paano kung ganito ka-guwapo ‘yung nahulog sa ’yo? Aangal ka pa ba?
Na-love at first sight ka na ba? 'Yung tipong unang kita mo pa lang sa kanya ang lakas na ng tama mo? Para bang may magnetic pull, na kahit iwasan mo, sa kanya ka pa rin na-a-attract in the end?
Eh, paano kung ganito ka-guwapo ‘yung nahulog sa ’yo? Aangal ka pa ba?

Kilalanin si Lucas Yoo, ang team leader ng Alpha Team, isang elite special forces unit sa South Korean military na tinamaan sa sobrang kagandahan ni Doctora Maxine Kang (Song Hye-kyo). Matipuno at napakaguwapo, ngunit medyo pilyo, si Lucas ay kilala rin sa kanyang katapangan at sa galing niya sa pakikipaglaban.
Pati ang love of his life, ipaglalaban niya. Dahil na rin sa kaniyang paniniwala na kailangan niyang protektahan "ang mga bata, matatanda, at ang mga magagandang babae."
READ: Kilalanin ang napakagandang si Doctora Maxine Kang

Abangan si Song Joong-ki bilang Lucas Yoo sa Descendants of the Sun, ngayong July 25 na!