
Hindi lamang sa ratings umaariba ang 'Destiny Rose' dahil pati sa Twitter trending din ang hashtag nito araw-araw.
By MICHELLE CALIGAN
Hindi lamang sa ratings umaariba ang Afternoon Prime series na Destiny Rose, dahil pati sa Twitter, trending din ang hashtag nito araw-araw.
READ: Ken Chan, tuwang tuwa sa pagkaka-extend ng 'Destiny Rose'
Kaninang hapon, January 22, muling ibinahagi ng lead star nitong si Ken Chan na nag-trend ang hashtag of the day nilang #DRPaglisan.
Ang hashtag nila noong Wednesday, January 20, ay nasa fourth spot ng trending topics sa Pilipinas, habang ang #DRGiveUp kahapon ay nakamit ang second spot.
Congratulations, Destiny Rose!