GMA Logo determined warriors on pbb
What's Hot

Determined Warriors, nominado sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published November 24, 2025 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate on alleged weaponization of LOAs by BIR personnel (Dec. 11, 2025) | GMA Integrated News
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

determined warriors on pbb


Sino kaya kina Anton Vinzon, Heath Jornales, Marco Masa, Krystal Mejes, Eliza Borromeo, at Carmelle Collado ang mananatili pa at lalabas na sa Bahay Ni Kuya?

Pinangalan na ang grupo na bagong nominado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa nagdaang ligtask challenge sa loob ng Bahay Ni Kuya, ang Team Determined Warriors ang nakakuha ng pinakamababang kabuuang puntos.

Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Eliza Borromeo (Star Magic). Kasama niya rito sina Anton Vinzon (Sparkle), Heath Jornales (Sparkle), Marco Masa (Sparkle), Krystal Mejes (Star Magic) at Carmelle Collado (Star Magic).

Nagmula ang nominasyon sa Team Smiling Angels, ang grupong pinapili ni Big Brother kung sino ang magiging nominado matapos nilang manalo sa naturang ligtask.

Kabilang dito sina Ashley Sarmiento (Sparkle), Caprice Cayetano (Sparkle), Clifford (Sparkle), Fred Moser (Star Magic), Lella Ford (Star Magic), Rave Victoria (Star Magic).

Sino kaya ang magpapatuloy ng kanyang journey sa loob ng iconic house at sino kaya ang babalik na sa outside world?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ito, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'