
Pamatay ang hirit ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza para sa monthsary nila ng hunk na si Jak Roberto.
Sa Instagram Story ni Barbie noong Linggo, September 20, nag-post siya ng photo nila ng kanyang boyfriend kung saan makikitang topless si Jak.
Saad ng former Tween Hearts actress sa caption, “Patunay na 'di kailangan maging sexy para makasungkit ng sexy… Tiwala lang! Happy monthsary @jakroberto.
“I miss you so much. I love you.”
Noong Mayo 2020, ipinagdiwang ng JakBie ang kanilang third anniversary.
Ilang projects na ang pinagsamahan ng Kapuso couple tulad ng Meant To Be (2017) at Kara Mia (2019).
What would Jak Roberto and Barbie Forteza's careers be if they weren't actors?
Jak Roberto, nakalimutan ang birthday ni Barbie Forteza?