What's on TV

Diana Zubiri, gaganap bilang battered wife sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 22, 2025 6:44 PM PHT
Updated May 23, 2025 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Gaganap si Diana Zubiri bilang isang battered wife sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Isang natatanging pagganap mula kay Diana Zubiri ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Takas ng Mag-ina," gaganap siya rito bilang battered wide na si Ana.

Maayos ang pagsasama nila ng kanyang asawa hanggang sa matanggal ito sa trabaho at malulong sa droga.

Para sa kapakanan ng ng kanilang mga anak, susubukan ni Ana na tumakas mula sa kanyang asawa.

Magtatagumpay kaya siya?

Bukod kay Diana Zubiri, bahagi rin ng episode sina Cris Villanueva, Kim de Leon, at Caprice Cayetano.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "Takas ng Mag-ina," May 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.