
Guests sina Diana Zubiri, Gladys Reyes at Tina Paner sa August 25 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Si Diana ang makakasama nina Boobay at Tekla sa panggu-good time sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang kanilang biktima, ang catering service manager at mga staff na papaniwalain nilang ikakasal ang Kapuso actress.
Samantala, sina Gladys at Tina naman ang maglalaro sa bagong segment. Mahulaan kaya nila ang identity ng 'The Mystery Star?'
Ngayong Linggo, mapapanood muli ang inyong mga paboritong segments!
Masusubok ang inggles ng mga Kapuso sa kalsada sa 'TBATS on the Street.' Nagbabalik ang Mash-Up Queen na si Ate Gay sa 'Dear Boobay and Tekla.' Ang kuwento naman ng “Hindi Naaagnas na Bangkay” ang pagbibidahan ng fun-tastic duo sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody.
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 25, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!