
Balik Encantadia ang OG Sang'gre na si Diana Zubiri at ngayon bilang ang sinaunang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Lupa na si Harahen sa Sang'gre.
Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Diana ang naging training sa GMA para sa fight scenes sa Sang'gre.
Nakasama rin niya sa training ang new-gen Sang'gre na si Bianca Umali, na gumaganap bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Sa training, tinuruan sina Diana at Bianca ng paggamit ng arnis sticks sa pakikipaglaban. Nag-rehearse din sila na kinakalaban ang isa't isa.
Ayon kay Diana, sa loob ng mahigit isang taon ay itinago niyang sikreto ang kanyang pagbabalik sa Sang'gre.
Sa Sang'gre, kasalukuyang hinaharap ni Terra (Bianca) ang sinaunang Kambal-Diwa na si Harahen (Diana) para sa misyon na mapabalik ito sa Brilyante ng Lupa.
Abangan si Diana Zubiri bilang Harahen sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: