GMA Logo karelasyon
What's on TV

Diana Zubiri, Katya Santos, at Hiro Peralta, mapanonood sa pagbabalik ng 'Karelasyon'

By Jansen Ramos
Published March 31, 2021 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 sugatan sa sunog sa Mandaluyong
LGUs post ‘anti-epal’ compliance on social media
Lady Gaga, grateful to be part of Bad Bunny's Super Bowl Halftime Show

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon


Sa unang episode ng 'Karelasyon,' masusukat ang pagkakaibigan nina Lara (Diana Zubiri) at Sandra (Katya Santos) nang magkaroon si Lara ng intimate affair sa anak ni Sandra na si Miko (Hiro Peralta).

Matutunghayan sina Diana Zubiri, Katya Santos, at Hiro Peralta sa unang episode ng pagbabalik-telebisyon ng drama anthology na Karelasyon.

Mapapanood sina Diana at Katya bilang magkaibigang sina Lara at Sandra sa nasabing episode na pinamagatang "Cougar" na ipinalabas halos limang taon na ang nakalilipas.

Sa kwento, masusukat ang kanilang pagkakaibigan nang magkaroon si Lara ng intimate affair sa anak ni Sandra na si Miko, na ginampanan ni Hiro.

Maging mailap kaya ang kapatawaran sa pagitan ng matalik na magkaibigan?

Abangan ang storyang 'yan at ang aral na mapupulot mula sa mapait, makulay, at kakaibang kuwento ng mga mag-Karelasyon, simula April 5, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Samantala, para sa mga Kapuso abroad, bisitahan ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa karagdagang impormasyon kung paano ito mapapanood overseas,