
“Thankful ako na from the start nandoon ako hanggang finish.”
Ito ang namumutawi sa puso ng versatile actress na si Diana Zubiri sa ending ng high-rating GMA Prime series na Sang'gre kagabi, May 8.
Si Diana ang 'OG' na gumanap sa karakter ni Danaya taong 2005. Sa muling pagbubukas ng kuwento noong 2016, siya naman ang gumanap na Lilasari.
Sa Ecantadia Chronicles: Sang'gre, ginampanan niya ang papel ng sinaunang gabay diwa na si Harahen.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kay Diana, kwento nito na malaking parte ng buhay niya ang naturang telefantasya series.
“Being part of that show maraming nabago dun sa personal life ko. Sa pagiging artista ko and sana 'yung iba rin na naging part ng show ganun din 'yung ma-feel nila.”
RELATED CONTENT: Diana Zubiri's life outside showbiz