
Aminado ang aktres na si Diana Zubiri na naalala niya ang una niyang asawa na namatay noong 2010 dahil sa isang eksena sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Sa Mga Batang Riles, ginagampanan ni Diana si Maying na na-biyuda nang ipapatay ang asawa niyang si Caloy na ginampanan naman ni Cris Villanueva.
"Mahirap po siya kasi nangyari siya sa'kin sa totoong buhay so nu'ng nabasa ko ' yung script, parang 'Ano ba 'yan, parang ang hirap.' Naisip ko na kung saan ako huhugot ng emotions kasi nangyari siya sa'kin," saad ni Diana sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda.
"Nu'ng namatay po 'yung first husband ko, Tito Boy, so siyempre, parang gusto ko makaiyak talaga ako nang maganda since pagbabalik ko nga ito sa television and I had to look na para mabigay ko 'yung totoong emotion na nangyayari du'n sa eksena.
"Nu'ng napanood ko nga rin po 'yung sa TV, parang naiyak ako, sabi ko, 'Ano ba 'yan? Ganu'n pala 'yung nangyari.'"
Pagbabalik-tanaw ni Diana, sobrang hirap nang pinagdaanan niya noon para magpaalam sa una niyang asawa.
"Mahirap, Tito Boy, kasi 'yung emotions mo parang halo-halo, ang dami mong iniisip. Hindi ako masyadong nag-break down nu'ng una kong nalaman. Nu'ng nagsi-sink in, lalo na nu'ng nakikita mo siyempre 'yung katawan, doon siya parang lumalabas lang nang hindi mo ini-expect," kuwento ni Diana.
"Parang iyak ka lang pala nang iyak, tapos may black out, ta's iiyak ka ulit habang ang dami-daming nangyayari sa paligid mo."
Ngayon, happily married na si Diana kay Andy Smith at meron silang dalawang anak -- sina Aliyah at Amira. Mayroon din siyang anak na si King kay Alex.
RELATED GALLERY: Meet The Smiths: The family of Andy Smith and Diana Zubiri
Paano naman kaya nila naaayos ni Andy ang problemang dumadating sa kanilang relasyon?
"Nag-uusap po kami, tahimik. Kasi ganu'n siya, kumbaga 'pag nararamdaman na niya na magagalit siguro ako dito sa sitwasyon na 'to, uunahan na niya ako, kakausapin na niya ako," sagot ni Diana.
"At tsaka pinag-usapan po namin, TIto Boy, 'yan. Kunyari meron akong ikinasama ng loob, sasabihin ko na para hindi na aabot sa 'yung kagaya ng dati na maiipon, maiipon, tapos magkakaroon kayo ng away na malaki."
Panoorin ang panayam ni Diana Zubiri sa Fast Talk with Boy Abunda DITO:
Mapapanood si Diana Zubiri bilang si Maying sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.