GMA Logo diana zubiri
Source: dianazubirismith/IG
What's on TV

Diana Zubiri shares cleft journey of son King

By Kristian Eric Javier
Published February 7, 2025 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

diana zubiri


Alamin ang pinagdaanan ng anak ni Diana Zubiri na si King.

Masakit para kay Diana Zubiri ang dinanas ng kaniyang panganay na anak na si Joaquin Achilles o "King" dahil sa pagkakaroon ng lip at cleft palate.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, February 6, ikinuwento ni Diana ang naging pagsubok na pinagdaanan ni King na ipinanganak niya noong June 2009 na merong lip at cleft palate, lalo na at nakaranas ito ng pambu-bully sa school sa Australia.

Kuwento ni Diana ay nagkaroon ng pagkakataon na nakita nila ang isang billboard ni celebrity doctor Vicky Belo na may charity project noon para sa mga may lip at cleft palate.

Pag-alala ng Mga Batang Riles actress, “Sabi niya, 'Mommy o, bakit ganu'n 'yung mga itsura niya?' 'yung bata sa billboard. Tapos sabi ko, 'Alam mo, anak, ganiyan ka rin dati, pero i-e-explain ko sa 'yo 'pag malaki ka na kung ano 'yung nangyari.'”

Kuwento ni Diana, naoperahan na para sa lip at cleft palate si King noong three month at six month old pa lamang siya, ngunit hindi pa umano tapos ang mga operasyon na gagawin sa kaniya. At dahil nakaranas na ng pambu-bully sa school, tinanong na ni King kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya.

“Siyempre, parang ako, 'Papaano ko i-e-explain?' Parang na-ready ko na rin 'yung sarili ko kung papaano ko i-e-explain sa kaniya,. Pero matalino po kasi 'yung anak ko. Parang sinabi na lang niya sa 'kin na, 'You don't need to explain,' kasi tapos na naman daw,” sabi ni Diana.

Pagpapatuloy ng aktres, “And then parang nag-sorry ako sa kaniya na kailangan niyang pagdaanan kung ano 'yung napagdaanan niya.”

BALIKAN ANG PAGLAAN NG ORAS NI MARIAN RIVERA SA MGA BATA NG SMILE TRAIN, ANG ORGANISASYONG NAGBIBIGAY NG CLEFT CARE, SA GALLERY NA ITO:

Ayon pa kay Diana, maging ang yumaong asawa niya at ama ni King na si Alex Lopez ay hindi agad natanggap ang kondisyon ng kanilang anak.

“Hindi niya po, siyempre, matanggap, parang kahit naman po ako, naiintindihan ko 'yung ganu'ng pakiramdam kasi nararamdaman ko rin. Pero siyempre, kailangan kaming dalawa, we support each other, pero una po siyang bumitaw,” sabi ni Diana.

Pagpapatuloy ng aktres, ito rin mismo ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at hindi nakita ni Alex si King ng ilang taon.

“Nakita niya na lang no'ng time na nakapag-forgive na 'ko, Tito Boy, naging maayos kami ulit, nakita niya na 'yung bata, okay na, naoperahan na,” sabi ng aktres.

Saad pa niya, “I had to let go kung ano man 'yung lahat nung sakit kasi kahit naman ako siguro, may naging kasalanan din ako sa kaniya kaya ganu'n, or hindi ko na 'yun inisip, kailangan ko na lang na kasi ang bigat-bigat pong dalhin.”