
Mahigit isang taon na ngayong naninirahan sa Australia si Diana Zubiri kasama ang kaniyang asawang si Andy Smith at tatlong mga anak na sina King, Aliyah Rose, at Amira Jade.
Ayon kay Diana, masaya siya sa bagong buhay sa Australia kasama ang kaniyang pamilya.
Sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Diana ang isa sa nais nilang maisabuhay mag-asawa ngayong 2023. Aniya, panibagong oportunidad ito para masimulan nilang muli ni Andy ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.
"New Year's resolution is makapag-workout kaming dalawa. Kasi alam n'yo naman since lumipat kami rito, kaming dalawa lang ni Andy, wala kaming ibang inaasahan para mag-alaga ng mga anak namin. Itong taon na ito ipinangako namin sa sarili namin na hahanap talaga kami ng time para makapag-workout," sabi niya.
Agad na sinimulan nina Diana at Andy ang kanilang "fitness journey" noong January 1. Matapos na mag-workout ay ipinasyal ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa Brighton beach.
TINGNAN ANG MASAYANG BUHAY NI DIANA ZUBIRI SA AUSTRALIA KASAMA ANG KANYANG PAMILYA RITO: