What's Hot

Did Alden Richards and Maine Mendoza confirm their relationship status in 'Sunday PinaSaya?'

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 11:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



One month na raw sila?


 


Maraming fans ng Eat Bulaga phenomenal couple na sina Maine Mendoza at Alden Richards ang tila na-curious sa mga salitang binitiwan nila sa segment ng Dos Lolos sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo (April 3).

Nakasama ng AlDub sa segment sina Jose Manalo na naging lolo ni Alden na si Lolo Erning. Samantala si Boboy Garovillo ng Apo Hiking Society ang gumanap bilang lolo ni Maine.

Sa usapan nina Richard at Lolo Erning, masayang ibinalita ni Richard na sinagot na siya ng kaniyang nililigawan.

Aniya, “Ang sabi ko po may maganda po akong balita sa inyo. Sinagot na po niya ako.”

Sunod-sunod tuloy ang mga post ng mga AlDubarkads sa Twitter na kinilig sa sinabi ni Alden.

Ito na ba ang “tamang panahon” para kina Maine at Alden?

MORE ON ALDUB:

Alden Richards at Maine Mendoza, nagpakilig sa 'Sunday PinaSaya'

LOOK: Thousands flock to MainChard event in a QC mall

Celebrity fans of AlDub