
Pinag-uusapan ngayon ang ugnayan ni Claudine Barretto sa nakababatang kapatid ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez.
Ito ay dahil sa post ni Claudine kasama si Milano sa isang sweet photo. Makikita sa larawan na nakayakap si Claudine kay Milano at may background music na “Can We Just Stop And Talk A While.”
Saad ni Claudine sa kaniyang caption, "Can you really wait??? No matter how long??? No one wil break me?Swear? onalim_zehcnas"
Nagpahayag naman si Milano ng kaniyang nararamdaman para kay Claudine. Saad niya, “The courtship starts now. No matter how long it takes, I will wait. No one will ever break you again.”
Sa account na "Love For Claudine" sa Instagram makikita ang video ng aktres na nagkukuwento tungkol sa estado ng kaniyang puso.
Ani Claudine, "May nanliligaw sa akin pero babe na 'yung tawag ko. Babe na 'yung tawagan. Pero nililigawan niya ako super tagal na ligaw, as in sobrang tagal."
Para sa clue sinabi ni Claudine sa video, "Ang pelikula namin ni Piolo (Pascual), lagyan mo ng O."
Sagot ng mga kasama ni Claudine, "Milano."
Nakatanggap naman ng positive comments ang soft launch ni Claudine mula sa mga kaibigan, fans, at netizens.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MOTHER AND DAUGHTER PHOTOS NI CLAUDINE AT SABINA RITO: