GMA Logo Claire Castro
What's Hot

Diego Castro proud of daughter Claire for bagging role in TV adaptation of '80s movie 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published January 13, 2021 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Claire Castro


Bibigyang-buhay ni Claire Castro ang role ni Cielo sa GMA adaptation ng 'Nagbabagang Luha,' na orihinal na ginampanan ni Alice Dixson.

Proud daddy ang '90s star na si Diego Castro sa kanyang 22 taong gulang na anak na si Claire Castro matapos nitong makuha ang isa sa mga lead role sa bagong GMA drama na Nagbabagang Luha.

Si Claire ay anak ni Diego sa dati nitong asawa at kapwa '90s star na si Raven Villanueva.

A post shared by Diego K .Castro (@diegokcastro)

"Congrats to @clairevcastro for landing one of the lead roles of @gmanetwork 's upcoming serye Nagbabagang Luha, an 80's movie remake.

"Thank you to @artistcenter & @gmadrama for trusting in my daughter with a very good role. #gmanetwork #nagbabagangluha #gmaartistcenter," sulat ni Diego sa kanyang Instagram post, kalakip ng isang screenshot mula sa report ng 24 Oras.

Ang Nagbabagang Luha ay TV adaptation ng classic '80s movie na may parehong pamagat na pagtatambalan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz.

Ang orihinal na bersyon ay pinagbidahan ng mga batikang aktor na sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson at Richard Gomez.

Bibigyang-buhay ni Claire sa upcoming series ang role noon ni Alice na si Cielo, kapatid ni Maita na gagampanan naman ni Glaiza.

Sa panayam ng 24 Oras kay Claire, sinabi ng batang aktres na, "It's gonna be challenging po lalo na po si Ate Glaiza po 'yung magiging sister ko po. Pero I love a good challenge naman po."

Sa mga larawan niya sa social media, kapansin-pansin ang ganda ni Claire na tila namana niya sa kanyang mga magulang at narito ang ilang mga pruweba.

Noong October 2018 pumirma si Claire ng management contract sa GMA Artist Center.

Ang 2019 afternoon series na Dragon Lady ang unang proyekto ng baguhang aktres sa Kapuso Network kung saan gumanap siya bilang Shane.

Nagkaroon din siya ng guest appearance sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang "The girl in the video scandal" at sa primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.