GMA Logo Bubble Gang comedian Diego Llorico
Screenshot from Kay Susan Tayo! Vlogs
What's Hot

Diego, kinilala ang malaking kontribusyon ni Michael V. sa kanyang comedy journey

By Aimee Anoc
Published August 11, 2026 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP, PH Army boost security for BARMM polls
One Tokyo Global brings Tokyo Marathon spirit to Manila
Tight security at Davao City school following reported threat

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang comedian Diego Llorico


Paano nga ba nagsimula si Diego Llorico sa 'Bubble Gang'? Alamin ang kanyang kuwento rito.

Kinilala ng Bubble Gang comedian na si Diego Llorico ang malaking kontribusyon ni Michael V. sa kanyang naging karera bilang komedyante.

Sa pakikipagkuwentuhan kay Susan Enriquez sa Kay Susan Tayo! Vlogs, sinagot ng "Atlit" star kung sino ang masasabing naging mentor niya sa comedy.

"Malaking contribution? Si Bitoy, syempre. Siya naman talaga. Kasi si Bitoy magaling siya talaga, kahit saan. Genius siya. 'Yung sa timing, pagsusulat, lahat," sagot niya.

Memorable para kay Diego ang mga panggagaya sa kanya ni Michael V. na, aniya, kuhang-kuha ng multi-awarded comedian kung paano siya magsalita.

"'Yung pagsasalita ko, palagi niyang ini-imitate. Nakukuha niya 'yung boses ko kasi, 'yung tono ko, 'yung paano ako magsalita. Minsan nga ako pa 'yung inspirasyon niya sa mga kanta niya, 'di ba? Mayroon siyang mga ginawang parody na ako 'yung nasa video," dagdag niya.


Paano naging parte si Diego Llorico ng Bubble Gang?

Nagsimula raw ang lahat nang hikayatin siya ng mga kaibigan na nagtatrabaho noon sa variety show ni Vilma Santos na Vilma! na pumasok sa production noong 1990s.

"Noong una po kasi nag-aral ako sa FEU. May mga kaibigan ako na nagtatrabaho sa Vilma!, 'yung variety show dati ni Ate V. Tapos inaya nila ako na mag-production. Kasi mayroon din po silang show sa ABC-5, so doon ako 'yung show po ni Vina Morales, 'yung Vina, doon po ako unang nag-P.A. (production assistant)," kuwento ni Diego.

"Tapos 'yung EP po namin may show po siya sa GMA, sabi niya. 'Sama ka sa 'kin, do'n tayo sa GMA, mayroong raket.' Tapos po nakilala ko si Rams David, siya po 'yung parang coordinator ng show ni Kuya Germs (German Moreno), tapos sabi niya, ''Wag ka nang bumalik do'n, dito ka na lang.

"Noong time na 'yon, nung kay Ma'am Wilma [Galvante] na, may naririnig na akong may tatlong show na bubuksan, Bubble Gang, Inside Showbiz, at saka Startalk. Sabi ko, 'Sana mapasama ako sa Startalk kasi gusto ko 'yon, kasi tsismisan.'

"Kaya lang nu'ng tinawag po ako ni Ma'am Wilma, sabi niya, 'Gusto mo ba sa Bubble Gang?' As P.A. pa rin. Sabi ko, 'Ay, opo.' Syempre, 'di naman ako pwede tumanggi, so sumama na ako. Kasama na ako sa Bubble Gang mula umpisa," dagdag niya.

Panoorin ang buong interview ni Diego sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito:

Related gallery: IN PHOTOS: Production staff noon, artista na ngayon