GMA Logo Diego
Screenshot from Kay Susan Tayo! Vlogs
What's Hot

Diego, masayang makapagpangiti ng mga bata sa ginagawang outreach program

By Aimee Anoc
Published August 11, 2026 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki nga unang natahong nalumos sa dagat sa Davao City, na-recover na I One Mindanao
WALANG PASOK: Class suspension for Wednesday, August 12, 2026
BTS's V is the newest face of popular athletic and lifestyle brand

Article Inside Page


Showbiz News

Diego


"Every month mayroon po akong outreach program... Gusto ko kasi kapag nawala na ako, may legacy ako, na marami akong napangiting tao." - Diego Llorico

Kung may nais mang iwanang legacy ang Bubble Gang comedian na si Diego Llorico, ito ay ang makapagbigay ngiti sa mga bata at maraming tao.

Kuwento ni Diego kay Susan Enriquez para sa "Kay Susan Tayo! Vlogs," nagsasagawa siya ng outreach program program buwan-buwan kung saan nagpapa-feeding siya sa mga bata at namimigay ng mga laruan at tsinelas.

"Ngayon po kasi 'yung ginagawa ko po, every month mayroon po akong outreach program," sabi ni Diego. "'Yun na lang po 'yung gusto kong maiwan. Ano po 'yun Dada's, Diego, & Friends feeding program. Namimigay ako ng laruan at saka tsinelas, at nagpapakain po ng maraming bata, every month po 'yon."

"'Yung bata kasi ako, hindi ko kasi naranasang makapaglaro ng mga laruan kasi nanay ko no'n nag-Hong Kong siya matagal, nag-DH (domestic helper). Gusto ko makita bawat bata nakangiti. Saka naranasan ko 'yon 'yung tsinelas na butas. Gusto ko lahat ng bata may tsinelas na maganda," dagdag niya.

Nang tanungin kung ano ang maipagmamalaki niya sa kanyang sarili sa lahat ng pinagdaanan sa buhay, masayang sagot ng komedyante, "I made children smile.

"Marami akong batang napangiti. 'Yun talaga 'yung gusto ko. Gusto ko kasi kapag nawala na ako, may legacy ako, na marami akong napangiting tao."

Panoorin ang buong interview ni Diego sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito:

Related gallery: IN PHOTOS: Production staff noon, artista na ngayon