
Unang anibersaryo na ng digital channel na Heart of Asia ngayong June.
Isa ito sa digital channels na inilunsad ng GMA Network at mapapanood ito sa digital TV receiver na GMA Affordabox, mobile plug-and-play dongle ng GMA Now, at sa iba pang digital television receivers.
Ilang Kapuso stars ang nagbigay ng pagbati sa bagong milestone na ito ng Heart of Asia.
Nagpasalamat si Heartful Café leading man David Licauco sa isang taong suporta ng mga masugid na tagapanood ng channel.
"Hello sa mga loyal viewers ng Heart of Asia, a heartful thank you dahil isang taong na tayong magkakasama--isang taon na puno ng mga Asian movies, mga nakakakilig na romantic comedies and mga all-time favorite movies. Heart of aisa, nasa puso ng bawat Pilipino," pahayag niya.
May pabati rin si First Yaya star Sanya Lopez.
"One year na po ang Heart of Asia--isang taong puno ng kilig at pagmamahal. Kaya mula po sa inyong 'First Yaya,' happy anniversary Heart of Asia, ang nasa puso ng bawat pilipino," aniya.
Siyempre, hindi nagpahuli ang kanyang First Yaya leading man na si Gabby Concepcion.
"In behalf of the Filipino people, binabati namin ang Heart of Asia ng happy anniversary. Thank you for bringing the best of Asian dramas and movies dito sa Pilipinas. Heart of Asia, ang nasa puso ng bawat Pilipino," sambit ni Gabby.
Silipin ang iba pang Kapuso stars na nagbigay ng kanilang mga pagbati sa Heart of Asia dito:
Kasalukuyang napapanood sa Heart of Asia ang mga mga Korean drama na Secret Garden at Misty. Umeere rin ang mga Lakorn o Thai series na Madam Pushy and I at U-Prince series, pati na ang Chinese dramas na Legend of Fuyao at When a Snail Falls In Love. May Turkish series din na pinamagatang Taste of Love.
Para sa iba pang impormasyon, i-follow lang ang official social media accounts ng Heart of Asia sa Facebook at Twitter.