What's on TV

Digital creator mula Mandaluyong, pasok sa 'The Clash 2023' top 30

By Jansen Ramos
Published December 27, 2022 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Three dead in Alawite protests on Syrian coast, local officials say
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

isaac zamudio of the clash 2023


Kilalanin ang 19-year-old Clasher mula Mandaluyong City na si Isaac Zamudio dito.

"Try and try until you succeed."

Iyan ang motto ng 19-year-old digital creator mula Mandaluyong City na si Isaac Zamudio.

Kabilang siya sa unang batch na pasok sa top 30 ng The Clash 2023, na inanusyo noong December 18 sa All-Out Sundays.

Aniya, nasa plano niya talagang sumali sa GMA musical competition para subukan ang kanyang swerte sa music industry.

Para kay Isaac, isa itong "big achievement" kaya lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Makuha na kaya ni Isaac ang inaasam niyang pangarap?

Iyan ang dapat abangan sa The Clash 2023 na malapit nang ipalabas sa GMA.

Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.

SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: