
Hindi lamang ang mga Ka-Bubble kundi pati na rin ang OPM hitmaker na si Maki ang excited sa debut ng newest parody song ng award-winning comedian na si Michael V. sa Bubble Gang ngayong gabi!
Sa mga nakalipas na araw, panay ang teaser ng Kapuso ace comedian sa parody song niya na “Hilaw” na base sa popular song ni Maki na “Dilaw.”
Makikita sa official page ni Maki sa X, na ni-repost nito ang cute photo ni Direk Michael bilang si Yaki.
Humirit pa nga ito sa isa niyang post sa Bubble Gang pioneer na “ano pong shade nung liptint? send link”
ano pong shade nung liptint? send link https://t.co/215UPNNvVf
-- Maki *ੈ✩‧₊˚ (@clfrnia_maki) November 22, 2024
https://t.co/215UPNNvVf pic.twitter.com/wZTKQCodZB
-- Maki *ੈ✩‧₊˚ (@clfrnia_maki) November 22, 2024
Ayon sa music streaming platform na Spotify, ang kantang “Dilaw” ay may 172 million streams at ang official music video naman nito sa YouTube ay may 36 million views na and counting.
RELATED CONTENT: MICHAEL V'S CLASSIC PARODY SONGS