
May revelation ang seasoned actress na si Dina Bonnevie tungkol sa isang artist na itinanghal noon na big winner sa teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother.
Sa kanyang talk show na mapapanood sa YouTube, inimbitahan niya para sa isang interview sina JM Ibarra at ang isa pang PBB ex-housemate na si Fyang Smith.
Bago magsimula ang online show, ipinakilala ni Dina si Fyang bilang favorite at anak-anakan niya.
“Actually, kaya ko 'to niluto para sa isang special guest, 'yung guest na 'yon super favorite ko… Anak-anakan ko 'yun sa isang project na ginagawa ko,” sabi ng aktres.
Kasunod nito, nagkumustahan na sila at nagkuwentuhan tungkol sa special connection na mayroon sina Fyang at JM.
Nabanggit din ng batikang aktres ang isa sa mga dahilan kung bakit napalapit siya sa young artist na si Fyang.
Sabi niya, “Parang medyo minsan nagugulat lang ako kasi ibang-iba na 'yung generation noon sa generation ngayon, pero with her [Fyang Smith] iba, hindi siya katulad ng generation ngayon na lalabas hindi nagpapaalam sa parents… Sabi ko, ito, bata 'to pero iba 'yung values niya…”
Ang nagsilbing host sa online show ay mismong sina Dina Bonnevie at ang kanyang anak na si Danica Sotto-Pingris.
Related Gallery: Dina Bonnevie and Danica Sotto-Pingris's mom-daughter relationship in photos
Huling napanood si Dina Bonnevie sa Kapuso network bilang si Vivian sa My Father's Wife at Giselle Tanyag sa hit medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.