
Masayang nakibahagi ang ilang mga personalidad sa inihandang 4th anniversary episodes ng Family Feud.
Sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ay ipinakita ang ilan sa mga players ng "four-ever ang tawa, four-ever ang saya" anniversary episodes ng Family Feud na magsisimula na ngayong Lunes, March 2.
Ilan sa mga dapat subaybayan sa Family Feud ay ang showbiz icons na sina Hilda Koronel, Dina Bonnevie, at Carmi Martin.
Saad ni Dina, "Happy anniversary, Family Feud, and thank you so much."
Mensahe naman ni Carmi, "Parati kong pinapanood ang Family Feud kasi pinapasaya nila ang maraming Pilipino all over the world.
Kasama rin ang mga Beks Battalion at ang It's Showtime hosts headed by Vice Ganda.
Inilahad naman ni Vice Ganda ang kaniyang pasasalamat sa Family Feud dahil sa pagpapasaya nito sa mga manonood.
"Thank you so much to Family Feud kasi ang dami ninyong napapaligayang mga Pilipino. Kapag hindi ko siya napapanood sa TV kahit sa TikTok, online, pinapanood ko siya. Nakaka-happy siya e."
Diin pa ng It's Showtime host, "Malaking bagay 'yon ngayon kapag napapasaya natin ang mga kababayan natin."
Abangan din sa Family Feud ang mas pinalaki at pinalawak na "Guess More, Win More" promo na may ipamimigay na PhP 500,000 every week!
Narito ang iba pang mga detalye para sa Guess More, Win More promo ng Family Feud.