
Matapos ang mahigit tatlong buwang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, excited na umanong magbalik-trabaho si Anak ni Waray vs Anak ni Biday actress Dina Bonnevie ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine ang Luzon.
Ibinahagi rin niyang bukod sa pag-arte ay nami-miss na rin niya ang kanyang mga katrabaho.
“Siyempre, I'm looking forward to hear na namang Direk Mark [Reyes] say 'reaction,' na na-miss ko.
“Lagi kong ka-banter si Direk Mark, [and] looking forward to chatting with Snooky [Serna] again, Tita Celia [Rodriguez].
"'Yung mga bata sina Barbie [Forteza] at saka si Kate [Valdez], para ko na silang anak,” aniya.
WATCH: Dina Bonnevie, tinarayan daw si Barbie Forteza?
Snooky Serna, happy to be reunited with Dina Bonnevie on 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'
Bilang paghahanda sa pagbabalik-taping, sinabi ng batikang aktres ang ilan sa mga pag-iingat na kailangan nilang gawin para makaiwas sa health threat ng COVID-19 disease.
“'Pag taping kami, locked in kami. Walang lalabas kasi nakatalaga kayo sa isang lugar and for 18 days, nandiyan lang kayo nagte-taping hanggang matapos 'yung serye,” dagdag pa niya.
Samantala, sa kabila ng pandemic ay sinabi rin ni Dina na naging produktibo ang quarantine period sa kanya dahil nagkaroon siya ng oras para sa kanyang asawa, si Ilocos Sur Representative DV Savellano.
“Paggising sa umaga, immersion kami ng asawa ko sa Bible. Parang we made it to a point to study the Bible. We started during the time. Hindi lang 'yung reading, talagang inaaral namin.
“After that, baba na 'ko, luto na 'ko ng lunch. Pagkatapos ng lunch, tulong sa hugas-hugas ng pinggan and then akyat na, compu-computer,” aniya.
Dina Bonnevie, pinuri si Coney Reyes sa pagiging mabuting magulang
Nagkaroon din umano siya ng panahon para sa pagluluto at sa katunayan, maraming putahe na ang kanyang nagawa.
“Tapos 'yung mga niluluto ko pinapadala ko sa Valle Verde, pinapadalhan ko si Danica [Sotto]. Si Danica naman, padadalhan niya 'ko ng mga bineyk niyang bread,” aniya.
LOOK: Danica Sotto pays tribute to mom Dina Bonnevie
LOOK: Dina Bonnevie bonds with families of Danica and Oyo Sotto
Siyempre, upang manatiling healthy at fit, aktibo rin sa pag-eehersisyo si Dina.
“Nag-intermittent fasting kami 'tapos workout galore. Nu'ng una nga sabi ko bakita parang hirap na hirap ako sa workout, humihingal ako. Later on parang, 'Tapos na ba?'
“And then you begin to see the results in the mirror so nakakatuwa. Sabi ko, magtse-change wardrobe na ba 'ko o hindi pa?',” dagdag pa niya.
Panoorin ang buong 24 Oras report: