GMA Logo Dina Bonnevie Maricel Soriano Snooky Serna
PHOTO COURTESY: Maricel Soriano (YouTube)
What's Hot

Dina Bonnevie, Maricel Soriano, Snooky Serna, magkakapatid ang turingan habang ginagawa ang pelikulang 'Underage'

By Dianne Mariano
Published March 20, 2023 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie Maricel Soriano Snooky Serna


Bumida ang mga seasoned actresses na sina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, at Snooky Serna sa blockbuster coming-of-age hit na 'Underage' noong 1980.

Isang reunion sa pagitan nina Diamond Star Maricel Soriano at seasoned actress Dina Bonnevie ang napanood sa isang vlog.

Isa sa mga pinag-usapan ng dalawang veteran stars ay ang dati nilang pelikula na Underage, kung saan sila bumida bilang magkakapatid kasama ang kapwa nilang batikang aktres na si Snooky Serna.

Ayon kay Maricel, maganda ang naging pagsasama nilang tatlo habang ginagawa ang Underage, na idinirehe ng yumaong direktor na si Joey Gosiengfiao.

“Nagkasundo-sundo naman tayong tatlo. May mga differences of course pero wala tayong problema. Kapag sinabing magsu-shoot kami, nandoon kaming tatlo,” ani ng renowned actress.

Dagdag pa ni Dina, “One of my fondest memories [was] noong tayong tatlo.”

Kuwento pa ni Maricel na kahit hindi sila magkita nang mahabang panahon ay wala pa ring nagbabago sa kanilang magandang samahan sa tuwing sila'y nagkakasama muli.

Ibinahagi naman ni Dina na kapatid ang naging turingan nilang tatlo noong ginagawa ang kanilang pelikula, pati na rin hanggang ngayon.

Aniya, “Ang maganda no'n, noong nagwu-work tayo, even naman now e, parang tayong magkakapatid talaga.” Sinang-ayunan naman agad ni Maricel ang sinabi ni Dina.

Panoorin ang masayang reunion vlog nina Maricel Soriano at Dina Bonnevie sa video na ito.

Sa kasalukuyan, ang modern version ng Underage sa GMA-7 ay pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Gumaganap ang tatlong aktres bilang ang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).

Binibigyang buhay naman ni Snooky ang role bilang Velda Gatchalian sa nasabing coming-of-age series.

Panoorin ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.