
Masayang makatrabaho muli ni Dina Bonnevie si Gabby Concepcion sa hit GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife kung saan ginagampanan niya ang first girlfriend ng karakter nitong si Robert na si Vivian.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 27, ibinahagi ni Dina na sa pagpasok ng karakter niya sa serye ay magkakagulo sina Robert at Betsy (Kazel Kinouchi). Dagdag pa niya, dapat abangan kung ano ang mangyayari sa kanilang tatlo.
Tinanong din ni King of Talk Boy Abunda si Dina kung kamusta katrabaho si Gabby.
Pagbabahagi ng aktres, “I love working with Gabby, I mean he's so much fun.”
Saad pa ni Dina, dapat abangan ang mga eksena nila ni Gabby na inilarawan niya bilang “heartwarming.” Aniya, ito rin ang unang pagkakataon na manliligaw siya sa isang bagay na ayon sa kanya ay hindi niya bet.
“Hindi ko bet! Hindi ko bet. Parang hello? Never in my entire life ako maghabol ng lalaki, ano? When so many are falling at my feet! Why should I even chase a man? E pero doon, ganda-gandahan si Gabby, siya 'yung hinahabol-habol ko,” sabi ni Dina.
BALIKAN ANG PAGBABALIK NI GABBY SA TELEBISYON SA GALLERY NA ITO:
Ngunit pinuri naman ni Dina ang pag-improve umano ni Gabby sa pagme-memorize. Pagbabahagi niya, noon ay inaaway pa niya ang aktor dahil hindi ito magaling mag-memorize ng linya.
Ngunit ngayon, “Ang bilis niyang mag-memorize. And he's so much fun to be around with kasi light lang siya.”
“Nakakatuwa siya and still a very good actor. I would say mas seasoned actor na siya ngayon,” sabi ni Dina.
Panoorin ang panayam kay Dina dito: