What's Hot

Dina Bonnevie sa bagong apo kay Oyo Boy Sotto: "Sana naman may namana sa lola"

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 7:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa bagong show na 'Alyas Robin Hood,' mayroon ding bagong apo si Dina.


Ipinakilala na kagabi, November 15 sa Alyas Robin Hood ang bagong character ng nagbabalik-telebisyon na si Dina Bonnevie na si Mother Daisy, isang kontrabida na magpapahirap sa buhay ni Pepe (Dingdong Dantes).

WATCH: Dina Bonnevie, papasok na sa 'Alyas Robin Hood'

Sa kanyang first taping sa high rating GMA Telebabad soap, ikinuwento ni Dina na excited na siyang muling makatrabaho ang mga kapwa niyang beteranong aktres na sina Jaclyn Jose at Cherie Gil.

"It would be fine I guess kasi 'di ba sila 'yung mga dati mong kasama tapos ngayon makakasalamuha mo ulit sila," bahagi niya sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Bukod sa bagong show, mayroon ding bagong apo si Dina, ang newborn ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto na si Baby Marvic Valentine. 

LOOK: Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa welcome their fourth child

"Ang cute cute! Siyempre puwede ba namang 'di maging cute eh ang ganda-ganda ng nanay [at] ang guwapo-guwapo ng tatay," sagot ni Dina nang tanungin siya tungkol sa bagong apo.

"Siyempre sana naman [ay] may namana sa lola," pagtatapos niya.

Video courtesy of GMA News

MORE ON DINA BONNEVIE:

Dina Bonnevie on Pauleen Luna: 'Should it still matter what Ms. D would say?'
 
Pauleen Luna, nagkuwento tungkol sa unang pagkikita nila ni Dina Bonnevie