GMA Logo Dindo Arroyo in Love You Stranger
What's on TV

Dindo Arroyo, ginulat ang netizens sa video niya kasama sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 'Love You Stranger' set

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 19, 2022 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Dindo Arroyo in Love You Stranger


"Kung sino pa masama sa pelikula, 'yun pa mabait sa personal." Ano kaya ang ginagawa ni Dindo sa set ng 'Love You Stranger' na ikinagulat ng mga tao?

Pinatunayan ng aktor na si Dindo Arroyo na ang kanyang ginagampanang mga karakter sa harap ng kamera ay malayong malayo sa kanyang ugali sa totoong buhay.

Kilala si Dindo sa pagiging kontrabida kaya marami ang natuwa nang pangunahan niya ang pagdadasal sa set ng upcoming GMA Telebabad series na Love You Stranger na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Sa kanyang dasal, humingi siya ng tulong sa Panginoon na gabayan siya pauwi sa kanyang bahay matapos ang lock-in taping.

Dahil dito, panibagong Dindo ang nakita ng mga tao. Komento ng isa, "Kung sino PA masama sa pelikula Un PA mabait sa personal."

Ano kayang karakter ang gagampanan ni Dindo sa Love You Stranger? Alamin ang sagot sa world premiere nito sa June 6 sa GMA Telebabad.

Samantala, balikan ang naging lock-in taping ng programa sa mga larawang ito: