What's Hot

Dingdong at Marian, muling magpapakilig sa 'You To Me Are Everything'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 17, 2020 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News



Humanda nang kiligin all over again sa tambalang Dindong and Marian sa You To Me Are Everything
Humanda nang kiligin all over again sa tambalang Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil muli na naman silang magsasama sa latest offering ng GMA Films at Regal Entertainment, ang You To Me Are Everything.Text by Karen A. De Castro. Photos by Connie M. Tungul Gaganap si Marian bilang isang masayahing Igorota na makakapagmana ng malaking halaga. Si Dingdong naman ay gaganap na mayamang businessman na mawawalan ng kayamanan. Magkikita sila sa hindi inaasahang pagkakataon, at habang nakikilala nila ang isa’t-isa ng mas maigi, they will fall in love. starsSa press conference ng kanilang bagong movie na ginanap last Tuesday, April 13, sa Imperial Palace Suites, pinakilig na nila agad ang mga miyembro ng press sa umpisa pa lang sa pagsagot nila kung ano ang ibig sabihin para sa kanilang tunay na buhay ng title ng kanilang new movie na You To Me Are Everything. “Parang ano lang yan eh, parang equation,” sagot ni Dingdong. “A + B = C, so you plus me equals everything. Para sa’kin, kumbaga kailangan para makumpleto ang equation e meron ‘yang other half.” “Para sa’kin, siya yung lahat para sa akin,” nakangiti namang sagot ni Marian. Matapos magpakilig ay nagkuwento naman sina Dingdong at Marian tungkol sa kaibahan nitong You To Me Are Everything sa kanilang last na movie together, at nagkuwento din sila tungkol sa experience sa paggawa ng kanilang bagong pelikula. “First time po namin ni Dong na gumawa ng pelikulang romantic comedy,” says Marian. “Ang challenge dito, hindi kami magkakilala at yung personality ko dito, sobrang kulit na personality ko naman, na sa kanya, sinusupladahan niya ako. Yun yung challenge doon, paano ko siya mapapasmile.” Na-enjoy ng real-life couple ang paggawa sa kanilang movie, na mayroong mga scenes na kinuhanan sa mga kilalang lugar in Baguio City and Benguet, na siyang setting ng pelikula. “Sa Strawberry Farm, siguro mas maraming beses na kumain kami kaysa sa nagtake. Kasi habang naghihintay, pulot kami ng pulot,” pagkukuwento ni Dingdong. “Pero syempre at the end, binayaran pa rin yun afterwards eh. Bihira lang kasi [kami] makapunta sa isang strawberry plantation so talagang nilubos na namin.” Dagdag naman ni Marian, “Ako po kasi mahilig po talaga ako sa strawberries. So nung nandun ako, ninamnam ko na ang pagkakataon. Ang sarap ng feeling ng ikaw yung pumipitas ng strawberry tapos kakainin mo.” Naging iba rin ang kanilang naging experience sa set ng You To Me Are Everything. Para kay Dingdong, naging mas complicated daw ang kanilang working relationship ngayon. Para naman kay Marian, maganda ang nagawa ng kanilang pagtatrabaho together sa project na ito. stars“We see to it na talagang komportable ang isa’t-isa,” says Dingdong. “If we’re on the set, while worrying about yung role mo siyempre, inaalala mo rin kung papaano siya in real life.” “Ako maganda yung naging resulta sa’kin ngayon na nagkatrabaho ulit kaming dalawa. Kasi antukin ako eh, pero ngayon ‘pag kasama ko siya sa eksena, hindi ako inaantok. So mas maganda yung resulta na okay yung relationship namin sa work ngayon para sa'kin,” kuwento naman ni Marian. Umaasa naman sina Dingdong at Marian na tatangkilikin ng mga Pilipino ang kanilang bagong pelikula. “Naniniwala po kasi ako na siyempre we have to do our part in promoting it. Committed kami sa paggawa niyan,” explains Dingdong. “Plus ‘pag pinalabas na siya, ang makakapagsabi talaga kung successful siya o hindi is kung maganda talaga yung pelikula. Minsan nga it will spread only through words of mouth. Naniniwala ako dun, if the material is good, panonoorin at panonoorin po iyan. And ako, I believe in the materials from us.” Abangan ang showing ng romantic comedy na ito na sure na magpapakilig talaga at magpapasaya sa mga manonood. Kasama din dito sina Isabel Oli , Roxanne Barcelo, Manilyn Reynes, AJ Dee, Andrea Torres, Bella Padilla, Carlo Gonzalez, Victor Aliwalas, Bobby Andrews, at Fabio Ide. Kabilang rin sa cast sina Jaclyn Jose, Pinky Amador, at Chinggoy Alonzo. Ipapalabas na ang You To Me Are Everything sa May 5 in theatres nationwide. Check out more of Dingdong Dantes in his photo gallery. See more of Marian in her photo gallery. Pag-usapan sina Dingdong at Marian sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Maging textmates na with Dingdong and Marian. Just text DINGDONG (space) [Your Message] or MARIAN (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.