GMA Logo Dingdong Dantes and Zia Dantes
Source: dongdantes and marianrivera (IG)
What's Hot

Dingdong at Zia Dantes, bibida bilang voice actors sa Pinoy myth-inspired animated series na 'Sun Chaser'

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 20, 2026 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carlos Yulo captures gold, brother Eldrew seizes bronze at Asian Gymnastics Championships
World Travel Expo Year 10 opens in Cagayan de Oro, bringing focus back to the travel plans people keep delaying
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Zia Dantes


Tampok ang mag-amang Dingdong Dantes at Zia sa isang animated project na Sun Chaser.

Pagsasamahan ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes ang isang kapana-panabik na proyekto dahil opisyal na silang kabilang sa mga magbibigay-boses sa mga karakter ng inaabangang animated series na Sun Chaser.

Ang Sun Chaser ay nagmula sa malikhaing isip ng Oscar-nominated Filipino-American animator na si Bobby Pontillas.

Ito ay isang fantasy adventure series na hango sa mayabong na mitolohiya, kultura, at mahika ng Pilipinas.

Iikot ang kuwento nito kay Jordan Santos, isang simpleng binata na nagbabakasyon lamang sana sa bansa para sa isang bakasyon.

Ngunit biglang magbabago ang lahat at mabubulabog ang kanyang buhay nang isang misteryoso at supernatural na panganib ang maghahasik ng kaguluhan sa kanilang isla.

Sa paggising ng mga sinaunang kapangyarihan, mapipilitan si Jordan na tanggapin ang kanyang tadhana bilang tagapagtanggol ng harang sa pagitan ng mundo ng mga tao at ng mga espiritu.

Sa isang Instagram post mula sa PPL Entertainment, masayang ibinahagi ng ahensya ang balita kung saan itatampok ang boses ng The Master Cutter actor na si Dingdong Dantes bilang ang pangunahing kontrabida na si Necrofost.

Kinumpirma rin ng production company na Toon City Animation na ang karakter na ito ang isa sa mga pinakamalaking banta at kalaban na haharapin ng mga bida sa kuwento.

Sa kabilang banda, ang panganay na anak naman niyang si Zia Dantes ang siyang magbibigay-buhay sa karakter na si Sessa.

Sa takbo ng kuwento, si Sessa ay ipapakilala bilang pinsan ng bidang si Jordan na bibigyang-boses naman ng tanyag na Fil-Am Hollywood aktor na si Manuel Jacinto.

A post shared by PPL Professional People's Lab (@ppl_professionalpeopleslab)



Bukod sa powerhouse tandem ng mag-amang Dingdong at Zia, asahan na mas magiging makulay at engrande pa ang serye dahil sa naglalakihang pangalan mula sa local at international entertainment industry na kabilang sa cast.

Maririnig din sa animated series ang mga boses nina Liza Soberano, Charo Santos, AC Bonifacio, at KD Estrada, kasama pa ang mga kilalang Fil-Am Hollywood actors na sina JR De Guzman at Eugene Cordero.

Nakatakdang i-release ang pinakaunang bahagi o episode ng serye ngayong darating na Hunyo 22 sa opisyal na YouTube channel nito.

Related Gallery: Dingdong Dantes shares throwback moments with his daughter Zia