
Sa isang episode ng Family Feud nitong Miyerkules (March 23), lumabas na top answers ng isang daan na babae ang pangalan nina Dingdong Dantes, Alden Richards, at Jak Roberto sa survey question na "Sinong Kapuso actor ang gusto mong makitang hubad?."
Ang game master mismo ng programa na si Dingdong ang nanguna sa listahan, sinundan ito ni Alden, at pangatlo naman si Jak.
Sa nasabing episode, ang grupo ng YouTube stars na sina Zeinab Harake at Jelai Andres ang sumagot sa nakakaintrigang tanong.
Si Buboy Villar, na mula sa team ni Jelai o Miloves, ang nakakuha ng top answer na si Dingdong Dantes. Ngunit sa huli ay natalo rin sila nang ma-steal at mahulaan ni Zeinab ang ikatlong top answer na si Jak Roberto.
Samantala, ipinost naman sa Instagram story ni Jak ang screenshot ng game board kung saan makikita ang kaniyang pangalan na kasama sa top answer ng isang daan na babae.
Panoorin ang full episode ng Family Feud Philippines kasama ang Team Zebby at Team MiLoves sa video na ito:
Silipin naman ang hottest photos ng ilang Kapuso actors sa gallery na ito: