What's on TV

Dingdong Dantes, aminadong nahirapan sa lock-in taping ng 'DOTS Ph'

By Dianara Alegre
Published September 17, 2020 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Grand International All Stars: Guidelines, activity roadmap unveiled
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Naging 'challenging' umano para kay Dingdong Dantes ang paghahanap ng cellphone signal sa bundok para makausap ang kanyang pamilya sa loob ng halos dalawang linggong lock-in taping para sa 'DOTS Ph.'

Kamakailan ay natapos na ng production team at cast ng Descendants of the Sun (Philippine Adaptation) ang halos dalawang linggong lock-in taping para sa mga bagong episode ng serye.

Dahil sa mga pagbabagong bunsod ng COVID-19 pandemic at nakasanayang mga gawain o bagay sa loob ng anim na buwang quarantine, aminado si Big Boss Dingdong Dantes na nahirapan siyang mag-adjust sa taping.

Dingdong Dantes

Source: dongdantes (IG)

“Hindi siya madali. Parang kulang na nga lang, bitbitin ko 'yung buong bahay, 'yung buong kusina. Siyempre ang habol mo diyan kahit papaano ay 'yung comfort mo,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Dagdag pa niya, naging “challenging” din kumustahan sa kani-kanilang pamilya dahil mahirap maghanap ng cellphone signal sa gubat ng Tanay, Rizal kung saan sila nag-shoot.

“Medyo challenging 'yung signal sa gubat. May areas lang talaga kung saan mayroon,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay nakauwi na si Dingdong sa kanyang tahanan matapos ang ilang araw na pagsailalim sa self-quarantine.

Alpha Team ng DOTS Ph

Source: dongdantes (IG)

Samantala, kamakailan ay kinilala at pinaranagalan ang aktor ng Asian Star Drama Prize Award mula sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang si Captain Lucas Manalo.

“Na-recognize siya internationally and hindi lang internationally kundi sa bansa kung saan nanggaling itong show na ito.

“The show itself also won ng Best Foreign Drama. So, sa category pa lang na 'yon, e, isa nang malaking karangalan 'yon na kasama ako sa show na 'yon,” lahad niya.

I knew that I had big shoes to fill when I played Big Boss of DOTS Philippine Adaptation. The story of DOTS was very well loved by Filipinos, including my wife who's an avid fan of KDrama.😉 That's why reliving the story of DOTS is both an opportunity and responsibility. We had the chance to retell a well-loved world-class creation, while honoring the lives and experiences of our modern-day heroes through our portrayals. With this, I am deeply honored to be recognized by the Seoul International Drama Awards. And I share this award to all the men and women who worked tirelessly to make the show alive in the hearts of our viewers. This award is also a tribute to all frontliners of the world-- soldiers, healthcare workers and volunteers. This award is for my loved ones and the Filipino people. May we find consolation knowing that our stories are being appreciated especially during these trying times. Salamat, @gmanetwork, for the trust. This is DingDong Dantes, BIG BOSS of DOTS Philippine Adaptation, a snappy salute to you all.

Isang post na ibinahagi ni Dingdong Dantes (@dongdantes) noong

Bukod dito, inuwi rin ng DOTS Ph ang Best Foreign Drama award mula sa Seoul International Drama Awards.