GMA Logo dingdong dantes and charo santos
Dingdong Dantes and Ogie Diaz
What's Hot

Dingdong Dantes and Ogie Diaz pull a prank on Charo Santos-Concio

By Maine Aquino
Published June 1, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and charo santos


Charo Santos-Concio to Ogie Diaz and Dingdong Dantes after pulling a prank: "Nakakainis kayo!"

Sa pambihirang pagkakataon, nakipagkuntsaba si Ogie Diaz kay Dingdong Dantes para i-prank ang co-star ng huli na si Charo Santos-Concio.

Sa bagong vlog ni Ogie na "Sorry, Ma'am Charo!" magkasamang humara sina Dingdong at Charo para pag-usapan ang kanilang upcoming movie na Only We Know.

Subalit sa unang walong minuto ng 24-minute vlog, kapansin-pansin na puro kay Charo nakatuon ang mga tanong ng entertainment content creator.

Mapapanood sa video na unti-unti nang naiinis si Dingdong. Hanggang sa puntong tinanong na niya si Ogie, "Sa akin, wala ka bang itatanong sa akin."

Sumagot si Ogie na, "Sandali lang muna," at patuloy na nagtanong kay Charo, na natawa sa sitwasyon.

Kasunod nito, sinabi ni Dingdong kay Ogie, "Sige, usap muna kayo. Kuha lang ako ng tubig... Baka siguro i-text mo na lang sa akin yung mga tanong mo," sabay tayo at umalis sa harap ng kamera.

Sa puntong ito, mapapansin na tila awkward na rin ang pakiramdam ng biktima ng prank na si Charo.

Maya-maya pa ay bumalik si Dingdong na tila inis pa rin sa sitwasyon. Kaya nasabi ni Ogie, "Mainit yata ang ulo ni Dingdong. Sorry."

Sumagot si Dingdong, "'Tapos na kayo?" habang umaarteng naiinis.

Kaya tanong ni Ogie kay Charo, "Anong pakiramdam na pina-prank po namin kayo ni Dingdong?"

Agad na sagot niya, "Huh?" at may mahabang pause. Pagkatapos ay sinabi niyang, "There's a feeling of discomfort."

Nang magsimulang tumawa sina Dingdong at Ogie, sinabi ni Charo, "Nakakainis kayo! There's ths feeling of discomfort kasi parang, talaga, nangyayari ito right before my very eyes?"

May pag-aalala ring tanong niya kay Dingdong, "Cool ka lang? Napipikon na siya, hindi mo pinapansin."

Sagot naman ng Kapuso actor, "Cool lang ako. Hindi mangyayari yun."

PHOTO SOURCE: @dongdantes

Seven years after

Pagkatapos maipaliwanag na kinausap ni Ogie si Dingdong para i-prank si Charo, seryoso na ang kanilang naging pag-uusap tungkol sa pelikulang Only We Know.

inilahad nina Dingdong at Charo ang kanilang paghahanda at naging samahan sa pelikula.

Ayon kay Dingdong, marami silang pinagsamahan, na umabot ng pitong tao, para mabuo ang kanilang pagsasama sa pelikula, "May script reading, mayroon kaming a few dinners.

"'Yung seven years na 'yun parang 'yun na ang pinaka-preparation. 'Yung unang meeting tagal isipin mo seven years 'yun so parang in a way nag-umpisa na rin kaming bumuo ng kanya-kanyang characters."

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Itinanong naman ni Ogie kung nafi-feel ni Charo na ka-edad niya si Dingdong sa kanilang pagbuo ng pelikula. Si Charo ay 69 years old, samantalang si Dingdong ay 44 years old.

Sagot ni Charo, "I guess, oo, and 'yung narrative kasi, 'di ba, kasama sa konteksto ng kuwento."

Paliwanag pa niya, "It's not just a matter of him being younger, but the context of the narrative din. Two characters 'yun, nag-journey talaga siya from getting to know each other, feeling comfortable with each other, and learning to trust each other until parang the feelings that we both can't define came about."

A post shared by Charo Santos- Concio (@charosantos)

Nabanggit din ni Charo na nakatulong ang pagbuo nila ni Dingdong ng relasyon bilang magkatrabago sa pagbuo ng pelikula.

"Lagi naming sinasabi sa mga interviews namin na suwerte kami kasi Direk Irene (Villamor) halos chronological pag-shoot niya ng eksena. So, we started as characters who were feeling each other tapos naging komportable. Parang may parallelism doon sa totoong nangyari sa amin as actors also."

Abangan sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio sa Only We Know, na ipalalabas na sa mga sinehan simula June 11. Ito ay idinirehe ni Irene Villamor at co-produced ng Star Cinema and Agosto Dos Pictures, na pag-aari ni Dingdong.

Panoorin ang buong panayam rito:

Samantala, tingnan ang celebrity couples na malaki ang age gap dito: