
Exciting ang ikalawang bahagi ng 6th anniversary ng Amazing Earth dahil makakasama ni Dingdong Dantes ang kaniyang pinsan at Kapuso star na si Arthur Solinap.
Sa July 5, bibisita sina Dingdong at Arthur sa Lingayen Gulf, Alaminos, Pangasinan. Tampok sa episode na ito ang kanilang unang beses na pagsabak sa helmet diving.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Mula naman sa San Juan, La Union, ipapakilala sa Amazing Earth ang bemedaled Pinoy surfer na si Jay-R Esquivel.
Hindi rin papahuli ang mga exciting na mga kuwento ng Kapuso Primetime King at host sa second part ng docu-series na “Africa's Deadliest: Swamps.”
Tutukan ang ikalawang bahagi ng 6th anniversary special ng Amazing Earth sa July 5, 9:35 p.m. sa GMA at sa Pinoy Hits
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.