
Sinalubong nina Dingdong Dantes at Chris Tiu si Mikael Daez bilang bagong Kapuso host na bibida sa comedy infotainment show ng GMA Network, ang The Best Ka!
Hatid ni Mikael tuwing linggo ang walang sawang kulitan at kuwentuhan tungkol sa nakamamangha at nakaaaliw na world records na tiyak na pupukaw sa inyong pansin.
“I promise, good vibes 'to. Alam naman natin, for the past years, karamihan sa atin ay nasa loob lang ng bahay. Siyempre, minsan malungkot. Minsan wala tayong nagagawa, so ang gusto kong mangyari dito sa show na 'to kapag pinanood niyo ay magka-good vibes lang kayo. Matuwa kayo. Mapa-smile kayo,” ani MIkael.
Bukod sa handog niyang trivia at kuwela, may inihanda rin siyang isang surprise guest co-host na makakasama niya sa The Best Ka! Kilala niyo na ba siya?
Simula ngayong ika-20 ng Pebrero, samahan si Mikael sa kaniyang pagtuklas ng mga kuwentong “Best of the Best” mula sa Guinness World Records. Abangan ang The Best Ka! tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.