What's Hot

Dingdong Dantes, at iba pang Kapuso stars, nakisaya sa 'Konsyerto para sa Filipino' sa California

By Kristine Kang
Published March 11, 2025 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Ruru Madrid, Sofia Pablo, and John Arcilla


Dumalo sina Dingdong Dantes, Ruru Madrid, Sofia Pablo, at John Arcilla sa “Konsyerto para sa Filipino” sa California!

Matapos dumalo sa dazzling awards night ng Manila International Film Festival 2025 (MIFF), nakisaya naman ang ilang Kapuso stars sa isang free concert para sa global Pinoys.

Daan-daang kababayan abroad ang nagsama-sama para sa "Konsyerto para sa Filipino," na ginanap sa Lyric Theater, Cerritos Center for the Performing Arts, California.

Mala-piyesta ang event, na puno ng tatak-Pinoy designs at tinitindang Pinoy cravings mula pa lang sa labas ng theater building.

Present sa konsyerto ang ilang stars mula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), kabilang na ang Green Bones stars na sina Ruru Madrid at Sofia Pablo.

Napukaw ang atensyon ng audience sa kanilang charming presence. Ang primetime action hero ay effortlessly stylish sa kanyang two-piece ensemble, habang si Sofia naman ay very stunning sa kanyang black gown.

Mas lalo pang nagpasaya sa crowd ang warm greetings at kwentuhan ng dalawa kasama ang global Pinoys.

Bukod kina Ruru at Sofia, nakisaya rin sa event ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Labis ang kanyang tuwa na muling makita ang global Kapuso fans.

"Celebrating being Pinoy fiesta style here in this coliseum and it's fun because we get to see old friends. But most importantly, we get to reconnect with our kababayans here," aniya.

Naghandog din ng awitin ang mga bigating OPM artists tulad nina Jaya, Jed Madela, at ang Lolong: Bayani ng Bayan star na si John Arcilla. Marami ang humanga nang kinanta ng beteranong aktor ang iconic at theatrical song na "Never Enough."

Ang “Konsyerto para sa Filipino” ay isa sa mga pinakaaabangang proyekto ng MMFF at Metro Manila Development Authority (MMDA), na may layuning ipaalala sa global Pinoys ang kultura at saya ng Pilipinas.

Balikan ang stunning looks ng Kapuso stars sa Manila International Film Festival 2025: