GMA Logo Dingdong Dantes at Marian Rivera
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, inilahad ang pinakatumatak na proyekto nila sa GMA

By Dianne Mariano
Published August 7, 2025 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US-Iran truce hangs in balance as war flares in Lebanon
Man who stole Rottweiler caught on cam, arrested
Mga mangingisda sa Cardona na apektado ng mahal na gasolina, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes at Marian Rivera


Para kina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, ano kaya ang pinakatumatak na proyektong nagawa nila para sa Kapuso network? Alamin dito.

Ipinalabas na kamakailan ang "GMA Station ID 2025: Forever One With The Filipino" at tampok dito ang nagniningning na stars at personalities ng Kapuso network tulad nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa panayam ng GMANetwork.com kina Dingdong at Marian, ikinuwento nila kung ano ang pinakatumatak nilang proyekto sa GMA.

"Lahat naman pero siyempre 'yung una, which was 'yung TGIS dahil 'yun 'yung una kong ginawa, at 'yung MariMar, kung saan siyempre nakilala ko ang aking misis," sagot niya.

Para kay Marian, tumatak sa kanya ang lahat ng proyektong nagawa sa GMA at lubos niyang minahal.

"Lahat ng nagawa kong soap opera, lahat 'yan tumatak at lahat 'yan ay minahal ko talaga," pagbabahagi niya.


SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG 'GMA STATION ID 2025: FOREVER ONE WITH THE FILIPINO' SA GALLERY NA ITO.