GMA Logo Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa rewind
Source: marianrivera/IG
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, masayang makatrabaho uli ang isa't-isa sa 'Rewind'

By Kristian Eric Javier
Published December 5, 2023 9:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa rewind


After 13 Years, ano ang pakiramdam nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na makatrabaho muli ang isa't-isa sa pelikula?

Masaya at excited ang Kapuso Royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na makatrabaho uli ang isa't-isa sa nalalapit na Metro Manila FIlm Fest entry movie nila na 'Rewind.'

Sa panayam ng dalawa kay Aubrey Carampel sa Chika Minute para sa 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong at Marian kung gaano ka-personal at special ang kanilang proyekto.

“Very vocal talaga ako sa pagsasalita, napakaganda ng character namin dito pero hindi ko lubos maisip na kung hindi si Dong ang makakapareha ko dito, parang hindi ko magagampanan ng tama si Mary na character,” pagbabahagi ni Marian.

Para kay Dingdong ay masarap sa pakiramdam ang makatrabaho uli si Marian sa isang pelikula after 13 years.

“Nanunumbalik 'yung feelings and 'yung memories nung nag-start kami mag-love team back in 2007,” pagbabahagi ng aktor.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, napakasuwerte ko maging leading man nitong taong ito. Pero ngayon, leading man na sa totoong buhay.”

TINGNAN KUNG SINO ANG MAKAKASAMA NINA DINGDONG AT MARIAN BILANG LEADS NG MGA PELIKULA SA 2023 MMFF:

Ipinasilip nitong, December 4, ang full trailer ng 'Rewind' sa storycon ng pelikula. Nang tanungin sila kung ano ang dapat asahan ng mga manonood kapag napanood nila ang kanilang pelikula, ang sagot ni Dingdong, “Hindi lang 'yung napanood nila, definitely higit pa dun sa pelikula itself.”

“Napakaganda talaga ng materyal. Hindi lang siya kuwento para sa isang mag-asawa, as a couple, hindi lang pampamilya, pang lahat ng tao talaga,” pagbabahagi ni Dingdong.

Ayon pa sa Kapuso Primetime King, “Pag labas mo ng sinehan talaga, you will feel inspired, you will feel loved, and at the same time magiging maganda 'yung paggawa mo ng New Years resolution mo sa paparating na taon.”

Ibinahagi rin ni Marian kung paano nila iniisip kung ano ang magiging epekto ng kanilang pelikula sa personal na buhay ng mga manonood.

“Sabi nga namin, sana maging isang malaking biyaya itong pelikulang ito pagnapanood nila sa kani-kanilang buhay,” dagdag ng aktres.