
Personal na kinumpirma nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na muli silang magtatambal para sa isang proyekto.
Ang kanilang nakatutuwang confirmation ay nangyari sa GMA Pinoy TV FunCon ngayong August 25.
Excited na sagot ni Marian sa tanong na mapapanood na ba sila soon ni Dingdong sa isang project, "Yes! Yes ang sagot. Y-E-S!"
Photo source: GMA Pinoy TV FunCon
"Very soon!" masayang dugtong naman ni Dingdong.
Nitong June 2021, itinanong ni Lhar Santiago sa DongYan kung posible bang mapanood muli ang kanilang tambalan sa telebisyon.
Sagot ni Marian sa Unang Hirit interview, "Malay mo, Tito Lhar!"
Saad pa ni Dingdong, magdedesisyon sila kapag kumpleto na ang kanilang COVID-19 vaccine.
"'Pag kumpleto muna ang bakuna," pag-amin ni Dingdong
"Meron pang second dose 'yan and then, from there, tingnan natin."
Nakuha nina Dingdong at Marian ang kanilang first dose last June. Pagdating ng July ay fully vaccinated na ang celebrity couple kontra COVID-19.
Panoorin ang kabuuan ng 'DongYan #StrongerTogether' FunCon
Mapapanood overseas sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Endless Love, Tadhana, at Amazing Earth sa GMA Pinoy TV! Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye!
Kilalanin ang iba't ibang celebrities na nagpabakuna laban sa COVID-19 sa gallery na ito: