
Ipinakita ni Dingdong Dantes at Marian Rivera ang tatag ng kanilang pagsasama ngayong 11 years na silang mag-asawa.
Ibinahagi ito ng Kapuso Primetime King and Queen sa kanilang pagbisita sa channel nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na "Janno & Bing."
Kuwento ni Dingdong ang kaniyang nadiskubre ngayong 11 years na silang kasal ni Marian.
Ani Dingdong, "Sa 11 years siguro mas na-strengthen lang 'yung paniniwala ko sa kung bakit namin pinili ang isa't isa. Mas nareinforce din 'yung belief na kasi mas naging tutok talaga siya sa pamilya lalo na sa kids. Kasi dati 'yun talaga 'yung lagi naming pinaguusapan. Kung mag-aasawa tayo ganito gagawin natin, ganito ang plano natin."
PHOTO SOURCE: @dongdantes
Ayon pa sa Kapuso actor at host, "Ngayon mas napatunayan na tama nga 'yung sinabi noong umpisa. More than 'yung realizations. Mas na-strengthen lang 'yung paniniwala."
Para naman kay Marian Rivera ay realization ito na natupad na ang kaniyang dating pinapangarap.
"Mas na-realize ko na ito talaga ang pangarap ko at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay na ito kasama 'yung mga anak namin."
Inilahad naman ni Marian kung gaano kahalaga ang suporta nilang mag-asawa sa isa't isa.
"Si Dong kasi 'yung tipong supportive talaga siya sa lahat ng ginagawa ko. Doon nagiging mas makabuluhan 'yung relationship niyo na hindi lang puro saya. May pagkakataon talaga na magkakaroon kayo ng problema, may mga pagkakataon na nandoon 'yung struggle. Pero at the end of the day, mari-realize mo na mananaig pa rin talaga ang pagmamahal ninyo sa isa't isa."
Dugtong pa ni Marian ang kaniyang paniniwala na kailangan nila punan ang isa't isa, "Kasi para sa akin, true love talaga is hindi lang dahil guwapo siya ngayon, provider ko siya ngayon, mas mamahalin ko siya sa panahon na yung weakness niya e napupunan ko."
Ayon pa kay Kapuso star, "Kapag nakikita ko 'yun na 'yung kakulangan niya ay napupunuan ko, doon ko na-realize na compatible talaga kaming dalawa. Na ibinigay talaga siya sa akin para tulungan ko siya, at para tulungan niya ako sa mga bagay na nahihirapan ako."
Ikinasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City. Ngayon, mayroon na silang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
NARITO ANG FAMILY PHOTOS NG PAMILYA NI DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA: