
Ikinasal na si Paolo Benjamin ng OPM band na Ben&Ben sa kanyang kasintahan na si Rachel Arcilla at isa sa mga dumalo sa pagdiriwang ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Nagsilbing principal sponsors o ninong at ninang sa kasal nina Paolo at Rachel ang Kapuso Primetime Royalties.
Sa Instagram ay proud na “hinard launch” ng Kapuso Primetime King ang kanilang “ninong and ninong era” ng asawa.
“Paolo & Rachel—each other's gift. Each other's grace. Congratulations to our inaanaks!” ani Dingdong sa caption ng kanyang post.
Chic at elegant ang Kapuso couple sa kanilang wedding outfits. Nakasuot ng pink na off-shoulder gown si Marian samantalang naka-suit naman si Dingdong.
Sa isang larawan na pinost ni Dingdong ay makikita silang mag-asawa na kasama ang bagong kasal na sina Paolo at Rachel.
Ikinasal sina Paolo Benjamin Guico at Rachel Arcilla noong Huwebes, January 15, sa Chapel on the Hill sa Batangas.
RELATED GALLERY: Ben&Ben's Paolo Benjamin Guico and his fiancee Rachel's charming pre-wedding photos in Japan