
Proud na dumalo ang Family Feud host at Lieutenant Commander na si Dingdong Dantes sa pagbabasbas sa dalawa sa siyam na bagong fast attack interdiction craft missiles ng Philippine Navy kahapon, Martes, September 6.
Ang nasabing dalawang bagong sasakyang pandagat ay gawa at binili pa sa Israel at pinangalanan bilang BRP Nestor Acero at BRP Lolinato To-ong.
Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Dingdong ang mga larawan sa kaniyang naging pagdalo sa naturang event.
"Honored to have witnessed the christening of the 2 new Fast Attack Interdiction Crafts, which will further strengthen our modern and multi-capable Philippine Navy in their quest to secure and protect our archipelago," caption ni Dingdong sa kaniyang post.
Bukod sa mga opisyal ng Philippine Navy, nakasama rin ni Dingdong ang dating PBA player na si Vince Hizon na kapwa niya navy reservist.
January 2020, nang ma-promote ang aktor bilang Lieutenant Commander ng Philippine Navy.
Samantala, nanalo naman ng PhP200,00 jackpot prize sa Family Feud ang Team Generals ng Philippine Navy sa kanilang naging paglalaro sa game show kung saan host si Dingdong.
KILALANIN NAMAN ANG ILANG PINOY CELEBRITY RESERVISTS SA GALLERY NA ITO: