"Para sa 'kin, best years of my life [ay] high school talaga, mula '94 hanggang '98. So doon talaga nag-umpisa 'yung lahat. Memorable rin kasi sa 'kin dahil 'yon din 'yung entry ko sa industry [noong] '98," ani Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ano ang hindi malilimutan ni Dingdong noong '90s? "Hindi pa ako nag-a-artista noon, '98 ako nagsimula. Pero '96 or '97 kasi, 'yon 'yung panahon ng Abztract [Dancers]. '98 na 'ko pumasok sa T.G.I.S," bahagi niya.
Dagdag pa niya, "So first show ko 'yung T.G.I.S tapos 'yun na. Dire-diretso na."
Inamin din ni Dingdong na fan siya ng love team nina Bobby Andrews at Angelu de Leon noon. "Siyempre pinanood ko 'yung first batch [ng T.G.I.S], sina Bobby Andrews at Angelu de Leon. Isa sa favorite TV shows ko 'yon noong time na 'yon," saad ni Pari 'Koy star.
A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Naaalala pa nga raw ni Dingdong ang mga damit at itsura nila noon. "'Yung mga damit noon 'yung malalaki, 'yung long back kung tawagin tapos nakamaluwag ka na pantalon and then 'yung gupit ng buhok mo [ay] 'yung medyo undercut or 'yung may hati sa gitna," aniya.