GMA Logo Dingdong Dantes and Alessandra de Rossi
What's Hot

Dingdong Dantes, binati si Alessandra de Rossi sa success ng pelikulang 'Through Night and Day'

By Maine Aquino
Published July 14, 2020 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Alessandra de Rossi


Binati ni Dingdong Dantes si Alessandra de Rossi nang maabot ng pelikula nila ni Paolo Contis ang top spot sa Netflix.

Labis ang tuwa ni Alessandra de Rossi nang makita niyang nasa top spot sa Netflix Philippines ang pelikula niya kasama si Paolo Contis na Through Night and Day.

Ang Through Night and Day ay tungkol sa engaged couple na sumabak sa once in a lifetime trip sa Iceland.

Saad ni Alessandra sa kanyang post, "Ay. Taray. Never ako nag top 1 nung elementary. Ito na yata yun. ️"


Tinanong siya ni Dingdong Dantes sa kanyang Twitter account na kung ito ba ang bagong edit. Agad naman siyang sinagot ni Alessandra ng "Sa panaginip ko na lang makukuha ang ginusto ko para dyan! Toinks!"

Inihayag ni Dingdong na masaya siya na napanood niya ang kanilang pelikula ni Paolo. Saad niya pa na ito ay kanyang pinanood mismo sa sinehan bago pa man ito pumatok sa Netflix.

"Pero astig pa rin. Masaya akong napanood ko sa big screen itong malupet na obra niyo! Congrats!"


Nagpasalamat naman si Alessandra kay Dingdong at pinag-ingat niyo ito lalo na't balik trabaho na ang aktor para sa kanyang programang Amazing Earth.

"Salamat parekoy! Ingat kayo sa taping nyo today para nyo nang awa! May God keep all of you safe! "