
Exciting ang unang bahagi ng 6th anniversary ng Amazing Earth dahil napanood si Dingdong Dantes sa Hundred Islands National Park sa Alaminos, Pangasinan.
Para sa selebrasyong ito, nakasama ni Dingdong si Miss Earth-Air 2023 Yllana Marie Aduana. Tampok sa episode na ito ang kaniyang pagsabak sa Zipline by the Sea sa Quezon Island at 12-foot-plunge Cliff Jumping sa Marcos Island.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Inilahad ni Yllana sa Amazing Earth host at Kapuso Primetime King ang kaniyang naging experience sa challenge na ito. Ani Yllana, "The best part doon is the 360 view of the island. Sobrang ganda kasi nasa ere ako kanina and nakikita ko 'yung sobrang gandang anyong tubig dito sa Pilipinas."
Ayon pa kay Yllana, masaya siyang naging bahagi siya ng 6th anniversary ng Amazing Earth.
"Ang nakakatuwa sa programa na ito at sa mga amazing adventures at experience na nagawa ko kanina kasi I feel like I was able to promote my advocacy through that. Pinaka-advocacy ko po centers around E.A.R.T.H. Education, short for for Environmental Awareness and Action to Restore and Transcend Home through Education."
Nakilala rin si Mama Ranger ng Tubbataha Marine Park Rangers of Palawan. Inilahad ni Protected Area Superintendent Angelique Songco o Mama Ranger kung ano ang kanilang paraan ng pangangalaga ng Tubbataha.
"Madalas namin na-e-encounter 'yung illegal fishing pero ang kinukuha nila ay hindi mga fish kung hindi mga shells...'Yung mga rangers gumigising sa gitna ng gabi para magsagawa ng mga patrols."
Dahil sa sakripisyo nila sa pangangalaga ng kalikasan ay nakatanggap din sila ng parangal bilang park rangers. Alamin kung ano ito dito:
Tutukan ang ikalawa at ikatlong bahagi ng 6th anniversary special ng Amazing Earth sa July 5 at July 12, 9:35 p.m. sa GMA at sa Pinoy Hits
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH'