
Bilang bahagi ng I Am Super campaign ng YesPinoy Foundation, sumabak si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang read-along activity kasama ang ilang elementary students.
Binasa ni Dingdong sa mga mag-aaral ng Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City ang kuwento ni Noah at ng malaking baha.
Bukod dito, nag-donate din siya ng ilang ilang mga libro sa paaralan kaakibat ang USAID Philippines at ang Department of Education.
Si Dingdong ang chairman ng YesPinoy Foundation at kasalukuyan niyang isinusulong ang I Am Super campaign na naglalayong magpabuti ng disaster preparedness ng mga Pilipino.