
Tila na-in love muli si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang misis na si Marian Rivera habang nagte-taping ito para sa GMA anthology series na Tadhana.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang pagkabighani kay Marian habang pinapanood ito.
Aniya, “Ayan na naman siya o! Mukhang #tadhana ko talagang makita at makatrabaho parati itong mahusay na taong ito sa harap ng aking kamera.
“Teka, subukuan ko munang mag small-talk sa kaniya. @tadhanagma”
Naramdaman naman ng netizens ang kilig sa caption ni Dingdong kaya naman todo support sila sa panliligaw ng aktor kay Marian.
Puna ng isa, “Mahirap nang makahanap ng katulad niya! Perfect match!”
Bitiw pa ng isang fan, “Ligawan niyo na po siya. Haha!”
Nirereto ng fans si Dingdong Dantes kay Marian Rivera / Source: @dongdantes (IG)
Unang nagtambal ang DongYan sa Philippine adaptation ng Marimar. Ikinasal sila noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City at mayroong dalawang anak -- sina Zia at Ziggy.