
Kabilang ang Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Eugene Domingo, at Rita Daniela sa mga nominado sa gaganaping 70th Famas Awards 2022.
Isa si Dingdong sa nominado para sa Best Actor para sa kanyang pagganap sa Pinoy adaptation ng Korean movie na A Hard Day. Isa ito sa mga pelikulang pinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2021.
Samantala, nominado naman si Eugene Domingo para sa kanyang pagganap sa pelikulang Big Night, na naging bahagi rin ng MMFF 2021.
Nominado bilang Best Actress ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela, na isa sa mga bida sa pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw. Kasama niya sa pelikulang ito ang kanyang perennial love team partner na si Ken Chan. Sa kabilang banda, ang kantang "Umulan Man o Umaraw," na inawit ni Rita para sa parehong pelikula ay nominado para sa Best Original Song.
Gagawaran naman ng FAMAS Natatanging Alagad ng Sining ang batikang manunulat na si Ricky Lee.
Ayon sa post ng prestihiyosong award-giving body, gaganapin ang FAMAS Awards Night sa Metropolitan Theater sa July 30.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HIGHLIGHTS SA SHOWBIZ CAREER NI DINGDONG DANTES DITO: