
Energized at ready to begin a new adventure ang multi-awarded host na si Dingdong Dantes sa pagbabalik niya sa The Voice Kids.
Sasamahan ni Dingdong ang buong bansa sa pagtuklas ng bagong young singers na posibleng maging big OPM artists someday.
Sa panayam ng Kapuso actor sa 24 Oras Weekend, sinabi niyang malaking opportunity ang The Voice Kids para sa kiddie contestants.
“They get to perform in front of millions of people and makuha man o hindi, it will definitely build their character.”
Pagpapatuloy niya, “Ang laking lesson din para sa kanila nitong experience na ito that siyempre, you have to continue working towards your dream.”
Source: 24 Oras Weekend & GMANetwork.com
Looking forward na rin si Dingdong Dantes na makita ang dynamics ng mga coach na sina Julie Anne San Jose, Yeng Constantino at Gloc-9.
Ayon sa Kapuso host, interesting ang magiging mentorship nina Yeng at Gloc-9.
“Alam naman natin lahat nung mga hits ni Yeng Constantino kung gaano siya ka-influential sa ating Filipino pop culture. So, I can just imagine 'yung mga batang sasailalim sa mentorship or sa pagco-coach ni Coach Yeng, lalo na si Coach Gloc-9.
“Siyempre 'di ba, kakaiba 'yung mga bagsak niya, talagang nasa timing talaga. Ipapakita niya siguro kung paano niya ginagawa 'yung pagiging makata niya.”
Bukod sa pagho-host ng The Voice Kids, napapanood din si Dingdong sa Family Feud.
Gumaganap naman siya bilang ang master tracker na si Atoy sa The Master Cutter na may simulcast sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m. sa GMA Prime.
RELATED CONTENT: Dingdong Dantes: The remarkable journey of a true Kapuso icon